BASAHIN: Mensahe ni pangulong Duterte ngayong World Press Freedom Day

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang mga mamamahayag laban sa mga pagbabanta at intimidation kasabay ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day. 

Sa isang statement, sinabi ng pangulo na ang nature ng balita at impormasyon bilang public good ay dapat na magamit sa epektibong paraan at kailangang maprotektahan ang mga mamamahayag mula sa kahit anong uri ng threat at intimidation para makapagtrabaho ang mga ito sa ngalan ng interes ng mga Pilipino.

Dagdag ng pangulo, nawa’y patuloy nating gamitin ang komunikasyon sa nation-building at sikapang mas maging maalam ang mga Pilipino para sa mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Binigyang diin ng pangulo na mahalaga ang papel ng free at responsible press sa advancement ng lipunan. 

Mababatid na ang ranking ng Pilipinas sa World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders ay bumaba sa ika- 138 mula sa dating ika-136 noong 2020.

Kung matatandaan, kritikal si pangulong Duterte sa ilang media entity gaya na lamang ng Rappler na inakusahan nyang lumabag sa 1987 Constitution with foreign ownership at ABS-CBN na sinabihan nyang di sya papayag na bigyan ito ng lisensya mag-operate kahit na mabigyan ang network ng bagong prangkisa ng Kongreso. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *