Basud Fire Station ginawaran ng Safety Seal Certificate

CAMARINES NORTE- Ginawaran ng Safety Seal Certificate ng Provincial Validation Team ang Basud Fire Station na pinamumunuan ni Acting Municipal Fire Marshal, Insp Ronaldo  Mojal.

Nangangahulugan ito na mahigpit na sinusunod ng naturang opisina ang safety and health protocols kontra COVID- 19.

Alinsunod ito sa Joint Memorandum 21-01 na naglalayong itaas ang antas ng pagsunod ng mga pribado at pampulikong tanggapan sa minimum public health standards na itinatakda ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Ang Safety Seal program ay inter-agency effort ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG), Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), at Department of Labor and Employment (DOLE) na naggagawad sa mga establishments ng Safety Seal na nagpapakita na ang isang gusali o establishment ay sumusunod sa health protocols kontra COVID-19.

Para makatanggap ng Safety Seal ang pribado man o pampublikong establisymento ay kinakailangang makapasa sa eligibility requirements susog sa ipinapatupad na Minimum Public Health Standards ng IATF at national government.

Ang provincial validation team ay binubuo ng ng DILG, PNP at BFP.

(Photos Courtesy: BFP Basud)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *