Basura mo, palit mo program, inumpisahan uli sa Botolan

Inumpisahan uli ng Municipal Environment Office ng Botolan ang programang ‘basura mo, palit mo’ program.

Ito ay upang makatulong ang mga residente ng bawat barangay sa lugar na nakapag-ambag sa kalinisan ng kapaligiran at magamit ang mga naipon na mga basura sa paggawa ng eco-bricks.

Ayon sa Municipal Environment Office o MENRO, ang dalawang kilong basura na plastic malinis at tuyo ay maaring maipalit ng isang kilong bigas.

Ang pagpapalit ng segregated plastic ay tatagal hanggang October 15.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *