Basura sa Bagasbas Beach sinimot ng HPG at ng FSRAP noong weekend

CAMARINES NORTE- Nilinis ng PNP- Highway Patrol Group at ng Full Spectrum Riders Association of the Philippines (FSRAP)- Camarines Norte Chapter ang Bagasbas beach nitong Sabado.

Bahagi ito ng Community activity outreach program ng grupo na itinaon sa kapistahan  ng barangay.

Ibinida ng mga ito ang lawak ng nalinisan na isa mga aktibidad na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.

Maliban pa ito sa ilang serye ng tree planting activity na ginawa noong mga nagdaang araw.

Layon ng aktibidad na i- promote ang tinatawag na Environmental Protection activity sa komunidad.

Ang mensahe, maging bahagi ng solusyon at hindi ng polusyon.

Ang clean- up drive ay pinangunahan ni HPG Provincial Officer PMaj Joselito Quila at FSRAP Camarines Norte Chapter head Allan Joy Lee na siya ring Regional Chairman ng huli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *