Breaking News

Basyang, nasa PAR na

Napanatili ng Bagyong Agaton ang lakas nito sa 45 kilometro kada oras at bugsong aabot ng 75 kilometro kada oras.

Ngayong 11:00am, huling namataan ang Tropical Depression Agaton sa vicinity ng Balangiga, Eastern Samar.

Sa kasalukuyan, nakatas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa southern portion ng Masbate (kabilang ang Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpuz), Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at northeastern portion ng Cebu (kabilang ang Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod), Camotes Island, Dinagat Islands.

Samantala, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibilkity ang Typhoon Basyang.

Huli itong namataan sa layong 1,435 kilometro Silangan ng Southern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 120 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng 150 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang direksyong pa Hilaga-hilagang Kanluran sa bilis an 20 kilometro kada oras.

Inaasahan namang hindi na magtatagal ang Basyang sa PAR at posible ring lumabas na ng rehyon mamayang gabi.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 hour ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 hour ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 hour ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

2 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

2 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago