Batang lalaki , gumamit ng tirador para mailigtas sa kidnapper ang kanyang kapatid

Isang 14-anyos na batang lalaki sa Alpena, Michigan ang gumamit ng tirador para mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae mula sa isang kidnapper.

Sa ulat ng local media, sinabi ng mga awtoridad na ang biktima na isang 8 taong gulang ay nasa likod ng kanilang bahay nang subukan siyang dukutin ng 17-anyos na suspek.

Mabuti na lang at nasaksihan ng kanyang kuya ang insidente at agad na kinuha ang kanyang tirador at gumamit ng bato at marble kung saan tinamaan sa ulo at dibdib ang suspek, dahilan para makatakas ang kanyang kapatid.

Naaresto ang suspek matapos magtago sa kalapit na gasolinahan. Agad siyang nakilala dahil sa tama ng tirador sa kanyang ulo at katawan.

Pinuri ng pulisya ang kapatid ng biktima sa paggamit niya ng tirador bilang sandata para iligtas ang kapatid mula sa panganib.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *