Batang naglaro ng hide and seek sa Bangladesh, na-stuck sa shipping container at napadpad sa ibang bansa

Isang bata mula sa Bangladesh na naglaro ng hide and seek kasama ang mga kaibigan ang na-trap sa isang shipping container.

Naglakbay siya ng ilang libong milya at nakarating sa Malaysia.

Iniulat ng Malay Mail na ang batang lalaki na kilala bilang Fahim ay natagpuan sa isa sa mga container na dinikarga sa Port Klang noong January 17.

Naniniwala ang mga awtoridad na pumasok siya sa container nang nakadaong ang barko sa Chittagong sa Bangladesh noong January 12.

Sinabi ni Fahim sa mga awtoridad na nakikipaglaro siya ng taguan kasama ang mga kaibigan na hindi sinasadyang nakulong sa shipping container at hindi niya alam na aalis na ang barko.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *