NASUGBU – Maswerteng napanalunan ng isang mananaya mula sa Batangas ang ₱84 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 draw kagabi, Huwebes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng solo bettor ang winning combination na 10-20-32-40-08-11.
Ito ay may premyong umaabot sa Php 84,057,406.00.
Nabili ng naturang mananaya ang ticket sa Nasugbu, Batangas.