Batangas City, handa na para sa Batangas City Foundation Day!   

Batangas City –

Pormal nang inaanyayahan ng local na pamahalaan ng Batangas City, ang lahat ng mga residente at organisasyon na makilahok sa gaganaping Batangas City Foundation Day Parade at Street Dancing.

Isasagawa ito ngayong darating na July 23, 2024 sa ganap na alas 7:30 ng umaga.

Ang nasabing programa ay may temang “Pamanang Kinagisnan, Kulturang Pinagyaman!” kung saan maipapakita ang iba’t-ibang klase ng talento at galing ng mga batangueno.

Magsisimula ang pagtitipon para sa mga makikilahok sa Batangas City Sports Complex-parking area, sa ganap na ika-6:00 ng umaga.

Samantala, hinihikayat ang mga lalahok sa parada na magsuot ng kani-kanilang mga Filipiniana at makisabay sa simpleng indak at galaw ng subli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *