Batangas City-San Pascual-Bauan Diversion road, binuksan na

Libreng madadaanan ang bagong kalsada na magdudugtong sa dalawang ayan at isang siyudad sa ikalawang distrito.

Walo hanggang sampung minuto na lamang ang biyahe mula Batangas City dadaan ng bayan ng San Pascual patungo sa bayan ng Bauan matapos na pasinayaan ang Batangas City San Pascual Bauan Access road kahapon.

Personal na pinasinayaan ang bagong kalsada nina DPWH Secretary Mark Villar at ang nag-inisyatibo sa proyekto na si 2nd District Congressman Raneo Abu katulong si 5th District Congressman Marvey Mariño kasama ang ibat ibang opisyal mula sa lokal na pamahalaan ng ikalawang distrito.

Ang bagong bago kalsada ay sinimulan isa-proyekto noong 2017 na bago matapos ang termino ni Cong. Abu sa susunod na taong 2022 ay natapos at bago ang magtapos ang quarter nito ay maari ng daanan ng libre ng mga motorista mula sa ibat ibang panig ng laalwigan at ng bansa.

Nagkakahalaga ng may kabuuang P1.4B ang nagastos sa naturang proyekto kasama ang mga tulay kung saan inaasahang libu-libong mga sasakyan ang maaring dumaan araw-araw.

Ang pagbubukas ng bagong kalsada na ito ay lalong magpapaunlad sa ekonomiya ng ibat ibang lokal na pamahalaan, ng lalawigan ng Batangas at ng buong bansa kasabay na din ng tuwirang solusyon mabigat na daloy ng trapiko sa ikalawang distrito. | Jaimee Lee De Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *