Batangas Lockdown pag-aaralan; Gov Dodo, nag-atas na sa PHO

Batangas -Inatasan ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na pag-aralan ng tanggapan ng Provincial Health Office ang pagsasailalim sa lockdown ng Batangas.

Sa ginanap na pagpupulong ng Batangas IATF, nabuksan dito ang pagbibigay kapangyarihan sa mga local na pamahalaan na magpatupad ng granular lockdown sa kani-kanilang mga lugar lalot higit sa mga areas na mataas ang bilang ng Covid19 cases.

Kaugnay nito, nagbigay katiyakan ang punong lalawigan na magpapadala ng kaukulang tulong sa abot ng makakayan ng kanyang pamunuan.

Dagdag pa dito, ay inatasan na ni Gov Dodo si Dra Rose Ozaeta, Provincial Health Officer na pag-aralan ang pagdedeklra ng lockdown sa Batangas dahilan sa mataas na bilang ng mga nagkakasakit bukod pa ang inilalahad sa guidelines na  inilatag ng tanggapan ng DILG Batangas.

“Atin nang binigyan ng instruction ang ating Provincial Health Office na pinamumunuan ni Dra Rose na pag-aralan din na kung ang lalawigan naman ay magdedeklara ng lockdown mismo ang probinsya at pag-aralan lang wala tayong sinasabing magdedeklara tayo, kaparis din hindi natin pinangungunahan ang mga Mayors na atin mga lunsod at ating mga bayan na magdeklara ng granular lockdown pero ang lalawigan ay atin ng ngang inaatasan ang ating PHO ayon sa circular na pag-aralan ang kalalagayang ito,” pananalita pa ni Gov Dodo sa ginanap na pagpupulong ng Batangas IATF.

Samantala bumibilang na sa higit 9,000 ang mga aktibong kaso ng Covid19 sa Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *