Batangas tagumpay sa ASF virus -DA

Nagtagumpay ang lalawigan ng Batangas sa pakikipaglaban sa African Swine Flu matapos na kauna-unahang maidekarang “free” laban sa nasabing virus sa buong bansa.

Kinumpirma ni Dr. Rommel Marasigan, Provincial Veterinarian ng Batangas ang naturang deklarasyon mula sa Department of Agriculture.

Isa sa mga naapektuhan ng ASF virus at kasalukuyan nang deklaradong free ay ang mga bayan ng Rosario, Malvar, Taysan, San Jose, Nasugbu, and Lipa City. 

Matatatndaang unang inorganisa ang Bantay ASF sa Barangay matapos na lumabas ang balita ukol sa mga apektadong mga baboy sa Laurel, Batangas.

Sa panahon ng pakikipaglaban sa nasabing virus, nabatid na maraming pagsubok ang pinagdaanan ng Batangas province kabilang  na ang limitadong galaw ng mga hayop, kakulagan sa test kits, pasilidad at pagdadalhang laboratoryo nito.

Dagdag pa ang pagkakasabay ng pandemya na nagpabagal sa surveillance activities, investigation at repopulation ng mga naapektuhang baboy.

Matapos ang labing anim na buwan, nagbunga ang paghihirap ng pamahalaan at ng pribadong sektor kung saan anim na bayan na bayan sa Batangas na kabilang sa labing walong areas na apektado ng ASF sa buong bansa ay ASF free na.

Inaasahan naman na dokumentado ang best practices ng mga bayan sakop ng Batangas na dahilan ng tagumpay laban sa ASF na gagayahin ng iba pang mga bayan upang malampasan ang pagsubok sa mga alagang baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.