Batas trapiko mahigpit na ipinatutupad; mga lumalabag napapatawan ng penalidad

SORSOGON CITY – Tiniyak ni SK3 head Arnel Anchinges na naiisyuhan ng tiket na ‘no compliance’ ang mga motorista partikular na ang mga tricycle driver na hindi sumusunod sa mga batas trapiko.

Kinabibilangan ito ng pagbaba ng mga pasahero sa mga no unloading zone, over speeding, at iba pa.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na ang pagsita at pagpataw ng penalidad sa mga lumalabag sa mga traffic rules ay kanilang mahigpit na ipinatutupad lalo na sa mga school zone bilang proteksyon na rin sa mga mag-aaral.

Samantala, inihayag ng opisyal na sa kasalukuyan ay patuloy sila sa paggawa ng mga traffic signs na ilalagay sa mga itinalagang lugar.

Hakbang aniya ito upang tugunan ang reklamo ng ilang motorista na kaya nila nalalabag minsan ang mga batas trapiko dahil sa malabo at hindi makita o malinaw na nababasa na mga traffic signs. Panawagan ng opisyal sa mga motorista na sundin na lamang ang mga batas trapiko upang maiwasan ang aksidente at walang maging problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *