Batikang aktres na si Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59

Pumanaw na ngayong Biyernes, August 5 ang batikang aktres na si Cherie Gil, batay mismo sa talent manager na si Annabelle Rama.

Ayon din sa malapit na kaibigan ng aktres, alas 5:00 ng umaga (New York Time) binawian ng buhay ang aktres dahil sa sakit nitong cancer.

Si Cherie Gil o Evangeline Rose Gil Eigenmann, sa tunay na buhay ay sumikat at nakilala sa kanyang pagganap bilang si Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning kung saan binitiw niya ang ikonikong linyang “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” kay Diorina, ang karakter ni Sharon Cuneta.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.