BatMC prayoridad ang Covid19 patients

Batangas -Naglatag na ng tuwirang paghahanda ang pamunuan ng Batangas Medical center dahilan sa tumataas na kaso ng Covid19 sa bansa alinsunod sa mandato ng Department of Health.

Base sa kalatas na ipinalabas ng BatMC kinakailangan nilang dagdagan ang kakayanan ng ospital sa pag-admit ng mga may Covid19.

Bilang pagsunod at pagtugon sa mandato ay magkakaroon ng pagbabago sa mga regular na serbisyo ng ospital, at mapa-prayoridad ang pagtanggap ng mga pasyenteng may covid19.

Nagpaabot din ang pamunuan ng ospital na maging maingat at sumunod sa mga patakaran at programa ng DOH upang maiwasan ang paglaganap ng kaso ng mga nagpopositibo.

Sa mga konsultasyong medical, maaring makipag-ugnayan sa teleconsult ng ospital, para sa mga kasong nangangailangan ng agarang lunas maaaring tumawag sa disaster risk reduction and Management in Health Office sa 043-740-8307 local 1123 at 043-781-3129 o 09199568242

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *