Bato dela Rosa, nagdadalawang-isip na sa drug use decriminalization

Tila nagdadalawang-isip na si Senador Bato dela Rosa hinggil sa ipinapanukala nitong pagde-decriminalize sa paggamit ng iligal na droga.

Kahapon nang kumpirmahin ng Senador na siya ring chairperson ng Senate committee on Public Order and Dangerous Drugs na isinusulong niya ang alis-kulong sa illegal drug use para ma-decongest na ang mga kulungan.

Tila kumambyo naman ito ngayong araw nang sabihin niyang nagdadalawang-isip na siya rito.

Paliwanag ni dela Rosa, posible raw kasi itong magbigay ng maling signal sa publiko.

Maaari aniyang isipin ng mga tao na ayos lang gumamit ng iligal na droga sapagkat hindi naman sila makukulong at sasailalim lamang sa rehab.
#

RELATED STORY:

Pag-decriminalize sa kasong paggamit ng iligal na droga, isinusulong ni Senador Bato dela Rosa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *