Bato, naniniwalang wala talagang balak na umuwi ng PH si Teves

Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na wala talagang intensyon si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. na umuwi ng Pilipinas at harapin ang mga kaso na inihain laban sa kanya.

Ang pahayag ni Dela Rosa, chairman ng Senate public order and dangerous drugs committee, ay matapos malaman na bigong makakuha ng political asylum si Teves sa Timor Leste.

Dahil dito, naniniwala ang senador na hindi najustify ng mambabatas kung bakit siya kailangan na mabigyan ng asylum kaya hindi ito napagbigyan.

Sa gitna nito, nakikita rin ni Dela Rosa na gaya ng ibang mga tao noon na may kaparehong sitwasyon kay Teves, ay maghihintay na lang umano ito na matapos ang kasalukuyang administrasyon, saka lulutang. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *