Bato, Padilla nagsagawa ng occular inspection sa lugar kung saan nakatago ang toneladang droga

Nagsagawa ng occular inspection si Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Ronald Dela Rosa at Sen. Robin Padilla sa tangapan ng WPD lending Inc. sa Maynila, kung saan sinasabing nakatago ang isang toneladang mga droga.

Ayon kay Dela Rosa, mahalaga na maitindihan ang pangyayari lalo’t mga pulis umano ang sangkot sa naturang operasyon.

Kaugnay nito, nais din nilang malaman kung bakit nag-ipon ng ganoong karami ng droga sa lugar.

Samantala, sa panig ni Padilla, isinusulong nito ang pagpataw ng death penalty laban sa mga law enforcers, at elected officials na dawit sa ilegal na droga.

Partikular na papatawan ng capital punishment ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police o iba pang law enforcement agencies, maging ang mga elected officials na sangkot sa ilegal na droga. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *