Bato umaasang walang epekto sa anti-insurgency efforts ang pagbasura sa CPP-NPA proscription case  

Kumpiyansa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi maapektuahan ang counter-insurgency efforts ng gobyerno sa pagbasura ng korte sa proscription case na humihiling na ideklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang New People’s Army (NPA) bilang mga terorrist groups.

Sa gitna nito, ginagalang ni Dela Rosa, na chairperson ng Senate public order and dangerous drugs committee ang naging desisyon ng korte para sa naturang usapin, bagama’t nasasayangan umano siya.

Mababatid na sa 135 pahinang resolusyon ni Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, sinabi ng Manila Regional Trial Court Branch 19 na ang perusal ng programa ng CPP-NPA ay nagpapakitang inorganisa ito hindi para sa layunin na makiisa sa terorismo.

Matatandaan na noong 2018 nang maghain ang Department of Justice (DOJ) ng proscription case na humihiling na ideklara ang CPP-NPA bilang mga terrorist group sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act (HSA) of 2007.

Leave a Reply

Your email address will not be published.