BATRASCO, may mahigit 80 modern jeepney sa Batangas

Batangas City –

Umaabot na sa walumpo’t pitong unit ng modern jeepney na tumatakbo sa buong lalawigan ng Batangas.

Ito ay pagmamay-ari ng Batangas Transport Cooperative (BATRASCO) na nag-o-operate sa walong ruta.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Ka Romeo Macailao, ang presidente ng BATRASCO, binanggit niya ang mga bagong ruta ng modern jeep sa buong probinsya.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Ka Romeo na kinakailangang utay-utay lamang ang pagpapalit ng mga modernong sasakyan dahil isinasaalang-alang pa rin umano nila ang kita ng mga driver ng traditional jeepney.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *