Luzon

Bawal Bastos ordinance sa bayan ng Basud aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa

CAMARINES NORTE- Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang “Safe Spaces” o mas kilala bilang Bawal Bastos Ordinance sa bayan ng Basud sa isinagawang regular na sesyon nitong Lunes, May 15.

Ang ordinansa ay iniakda ni Konsehal Norma Zamudio  na tinawag na Bawal Bastos Ordinance of the Municipality of Basud na layong labanan ang gender-based sexual harassment sa kalsada, public places, online, workplaces at educational at training institutions.

Bago maaprobahan ang naturang ordinansa ay nagkaroon ang pag-aalinlangan ang isang miyembro ng SB dahil sa sobrang taas ng penalidad.

Ayon kay Konsehal Pablo Ablaneda alinsunod sa Local Government Code limitado lang ang kapangyarihan ng LGU sa pagpapataw ng penalidad.

Sa ilalim kasi ng Republic Act No 11313 o ang Safe Spaces Act na sinusugan ng ordinansa ay aabot ng daang libo ang penalidad

Tanging ang korte lamang din umano ang magpapasya kung guilty o hindi ang isang inaakusahan sa krimen.

Sa huli ay napagkasunduan din ng mga miyembro ng SB na aprubahan ang ordinansa sa ikalawang pagbasa at nagkaroon lang ng kaunting amendments hanggang sa tuluyan itong maaprobahan ikatlo at huling pagbasa.

Sa ilalim ng ordinansa ipagbabawal na ang “catcalling” o pagsipol, panghihipo, mga homophobic, transphobic o misogynistic remarks o mga negatibo at sekswal na patutsada sa mga mga babae  maging sa mga miyembro LGBTQ plus community.

Ipinagbabawal din ang pagtitig na may pagnanasa, pagpilit o paulit-ulit na pagkuha ng personal na detalye,  pagpapakita ng pribadong bahagi ng katawan o paggawa ng sexual advances pisikal man o verbal sa mga kababaihan.

Multang P1, 500 hanggang P2, 500 ang ipapataw sa mga lalabag.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago