Bawal magdine-in ang mga walang vax cards – Resto PH

Hindi papayagang magdine-in ang mga customers na walang maipapakitang vaccination cards sa mga restaurant sa National Capital Region (NCR), ayon sa Restaurant Owners of the Philippines (Resto Ph).

Ito ang muling paalala ng Resto PH kasunod sa pormal na pagpapatupad ng naturang polisiya kasabay sa Alert Level 4 implementation sa NCR.

Sa ilalim ng Alert Level 4, ang mga outdoor o al fresco dining services sa mga restaurants at kainan ay pinapayagan sa maximum na 30% venue/seating capacity.

Dito ay pinapayagan kahit ang mga hindi bakunado o wala pang maipakitang vaccination card.

Ngunit ang indoor dining o dine-in services sa mga resto ay bukas lamang para sa mga indibidwal na fully vaccinated o mayroong vaccination card sa limited 10% venue/seating capacity.

Ayon kay Resto Ph president Eric Teng, kailangan lamang na ipakita ng mga fully vaccinated customers ang kanilang vaccination card para makapag-dine in.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *