Bayan ng Basud nasa  ilalim ng Pink zone status sa ASF

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Municipal Agriculture Office (MAO) na wala nang naitatalang kaso ng African Swine Fever sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Municipal Agriculturist Harry James Felomino na sa ngayon ay nasa ilalim ng Pink zone status ang Basud pagdating sa ASF.

Ibig sabihin ay hindi na ito infected ng ASF at pwede ring maglabas ng baboy papunta sa ibang bayan dito sa lalawigan.

Pebrero pa naideklarang nasa Pink status ang Basud at target ng MAO na maiangat pa sa yellow pero kailangan munang magkaroon ng surveillance sa loob ng tatlong buwan at sa Hunyo ay target na maisailalim sa yellow status.

Ang iniiwasan lang umano ng MAO ay maisailalim sa Red zone dahil kapag nasa ganitong category ay hindi tumatanggap ng libreng insurance ang gobyerno o ang Philippine Crop Insurance Corporation.

Kapag ang mga alagang baboy ay hindi isnured walang matatanggap na bayad ang may ari sakaling mamatay.

Kapag nasa ilalim din ng red zone status ang isang lugar ay hindi ito pwedeng maglabas ng baboy sa ibang munisipyo na hindi pareho ng category.

Samantala, pinawi naman ni Felomino ang pangamba ng mga nag- aalaga ng baboy.

Sa ngayon kasi ay hindi na sinusunod ang DA circular na kapag may nagpositibo sa ASF ay kailangang patayin o i- depopulate ang mga baboy sa loob ng 500 meter radius.

Sa ilalim ng bagong panuntunan ay test and destroy na umano ang ginagawa at ang nagpositibo lang ang papatayin.

Nagbigay din ng mga paalala si Felomino sa mga hog raisers upang hindi tamaan ng ASF ang mga alagang baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *