Bayan ng Basud sa Camarines Norte handa na sa pinakamababang Alert Level

CAMARINES NORTE- Naniniwala si Mayor Adrian Davoco na handa na ang bayan ng Basud, Camarines Norte na maibaba sa Alert Level 1.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Davoco na sa tagal ng panahong paghihirap dahil sa COVID- 19 ay malaki na rin ang naisakripisyo ng bawat isa at naniniwala umano siya na handa na ang naturang bayan sa pinakamababang Alert Level.

Mataas na rin umano ng immunization coverage sa naturang bayan.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center bago matapos ang buwan ng Abril nasa 79 porsiento na ang immunization coverage sa naturang bayan at nasa 76 porsiento na rin ng senior citizen ang nabakunahan.

Gayunman sinabi ng Alkalde na dapat ay handa pa rin ang mga isolation facility ng Barangay at Temporary Treatment and Monitoring Facility ng Munisipyo kahit sa ngayon ay wala nang naitatalang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Ito ay dahil sa pagsulputan ng iba’t- ibang variants na posibleng maging dahilan ng muling pagdami ng mga kaso ng COVID- 19.

Hinimok  rin ng Alkalde ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID- 19 na magpabakuna na para na rin sa proteksyon ng bawat isa.

“Maganda po na ihanda pa rin natin ang ating barangay, ang ating munisipyo kasi hindi rin po natin alam may mga panahon may mga bagong variant na naman, may omicron other variants na naman na lumalabas so hindi natin alam kung paano ito makakapaekto sa atin at naging lesson learned na natin ang unang mga buwan ng pandemya kaya siguro ihanda pa din natin itong ating mga isolation facilities at yung iba pa po na alam nating nagamit natin during the time ng mga lockdown,” ani Davoco.

Leave a Reply

Your email address will not be published.