Bayan ng Daet sumampa na sa 111 ang aktibong kaso sa loob lamang ng isang linggo

CAMARINES NORTE- Mabilis ang pagakyat ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet kung saan sa loob lamang isang linggo ay naitala ang 111 na bagong kaso

Sa ipinalabas na report ng Daet emergency operations Center na may petsang January 11, 2022 umakyat na sa 1090 ang total cases ng COVID-19 sa naturang bayan

37 dito ang nagpositibo sa RT-PCR test habang ang 74 dito ay nagpositibo naman sa Rapid antigen test

Sa kasalukuyan ay mayroong 115 pang indibidwal ang under monitoring ng Daet IMT

Sa isinasagawang monitoring ng Daet IMT, kabilang sa high risk on COVID-19 cases ang mga Barangay ng I, II, III, IV, VI, VII, VIII, gayundin ang Alawihao, Dogongan, Lag-On, Camambugan, Magang, Mancruz, Cobangbang, Mambalite at Gahonon

Nasa moderate risk naman ang mga Barangay ng, Bibirao, Calasgasan,San Isidro, Gubat, Bagasbas at Awitan

Habang tanging ang barangay V at Borabod ang wala pang naitatalang aktibong kaso sa ngayon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *