Fully vaccinated individuals sa Daraga, Albay nasa 56% na -MHO

LEGAZPI CITY – Aabot na sa 66.38% na ang kanilang nababakunahan sa 1st dose sa bayan ng Daraga habang nasa 56% na ang kanilang fully vaccinated.

Ito ang inihayag ni Dr Ceasar Mata, ang head ng Municipal Health Office ng Daraga sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Dr Mata, marami pa rin ang hindi pa nagpapabakuna dahil sa may mga taong nagdadalawang isip o takot pa rin sa bakuna dahil sa kanilang nababalitaan patungkol sa mga nagkakasakit.

Aniya, may mga tao pa rin ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng bakuna kung saan ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa skait na Covid 19 at Omicron Variant.

Kung titingnan ang datus ng Department of Health (DOH) Bicol nasa 169.09% ng nabakunahan na A1 priority group o healthcare workers, 77.85 ang nabakunahan sa Senior Citizen, 73.04% ang naturukan na comorbidity at Adult o 12 hanggang 17 taong gulang nasa 59.55% ang nabakunahan na.

Sinabi ng opisyal nagsasagawa rin ang local na Pamahalaan ng mobile vaccination sa mga malalayong barangay upang bakunahan ang mga hindi makakapunta sa centro ng Daraga at mga nagnanais na rin na mabakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *