Bayan ng Jose Panganiban at Capalonga, balak tayuan ng windmill

CAMARINES NORTE- Balak tayuan ng windmill ang dalawang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte. Ito ay ang bayan ng Jose Panganiban at bayan ng Capalonga.

Base ito sa pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Vena Energy Philippines at ng Pamahalaang Panlalawigan noong ika-18 ng Mayo 2023 sa Provincial Capitol Building ng naturang probinsya.

Ang meteorological mast o met mast ay itatayo para masukat umano ang lakas ng hangin at malaman kung sasapat ito o akma na paglagyan ng naturang proyekto. Maliban dito ay magkakaroon din ng Environmental Impact Assessment upang maikonsidera ang posibleng epekto nito sa kalikasan.

Nilinaw rin sa pagpupulong na walang babayaran ang lalawigan, munisipalidad o barangay sa Camarines Norte dahil libre umano ang gastusin sa nasabing proyekto magmula sa permit, requirements at lahat ng proseso maging ang bayarin sa lupa na pagtatayuan nito ay sagot ng Vena Energy Philippines.

Ang tanging hiling lang umano ng Vena Energy ay mapagkalooban sila ng Endorsement at ng Certificate of No Objection mula sa Sangguniang Barangay, Bayan at Panlalawigan sa mga naturang lugar.

Kumpiyansa at positibo naman si Gov. Dong Padilla na ito ay magiging malaking tulong sa usapin ng mataas na presyo ng kuryente sa probinsya na kanyang pinamumunuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *