Bayan ng Mercedes wala na uling aktibong kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE – Wala na uling aktibong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay makaraang maiulat noong nakaraang linggo ang isang 28 anyos na babaeng nagpositibo sa sakit mula sa Barangay 2.

Sa official facebook page ng Municipal Health Office, zero active case na uli ang naturang bayan at nasa kabuuang 192 naman ang naitalang kaso simula noong 2020.

Nasa 21 ang nasawi dahil sa sakit at 170 ang gumaling.

Pinakamaraming naitalang kaso sa Barangay San Roque na may 35 habang ang Cayuctucan at Catandunganon ay mayroon lang tig- isang kaso.

Marami sa tinamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan ay mga babae sa age group na 21- 30.

Samantala, wala namang naitalang occupancy sa Mercedes Ligtas Covid Center.

Hinihimok pa rin ang mga Mercedenos na magpabakuna kontra COVID- 19 sa gitna na rin ng posibilidad na magkaroon pa ng mutation ng virus.

Kung may mga katanungan ay maaari umanong magpadala ng mensahe sa fb messenger o magtungo sa MHO at pinakamalapit na Barangay Health Center.

Nasa 80 porsiento na ng 37, 857 na target population ang nabakunahan sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *