Bayan ng Narra, isinailalim sa State of Calamity ng LGU

Isinailalim na ang buong bayan ng Narra Palawan sa State of Calamity simula kahapon ika-13 ng Oktubre, 2021 matapos mapagkasundoan ng Sangguniang Bayan.

Ang bayan ng Narra ay matinding nakaranas ng pagbaha nang dumaan ang bagyong Maring nitong Lunes na sumira ng kabahayan at kumuha ng mga buhay.

Sa datus ng lokal na pamahalaan, tinatayang 3, 774 ang mga indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad mula sa mahigit walong daang- pamilya na nasa loob at labas ng evacuation center na galing sa labing-apat na mga barangay ng bayan.

Kaugnay nito, sinimulan na ngayong umaga ng rescuers ang ika-apat na araw na paghahanap sa tatlong indibidwal na nawala sa ilog ng brgy. batang-batang, narra.

Ang mga pinaghahanap sa ngayon ay sina Rjay Ganancial, Liezyl Ismao at Roden Remonsada

Samantala, kahapon ng hapon ay nakita na rescuers ang bangkay ni Melinda Remonsada, may-bahay ng isang pinaghahanap sa ilog ng Brgy. Batang- batang at positibo itong kinilala ng mga kaanak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *