Local News

Bayarin ng mga magiging pasyente sa itinatayong dialysis center sa Olongapo, ililibre ng city government

Ililibre ng city government ang bayarin ng mga pasyente sa dialysis center na ipinagagawa ngayon sa compound ng James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo.

Ito ay kahit pa aabot sa mahigit apatnapung pasyente ang kayang i-accommodate per session mula sa kasalukuyang labing apat na pasyente lang.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, bukod sa mga gamot na kailangang bilhin ay pipilitin ng city government na akuin ang bayarin ng mga pasyente sa paggamit ng pasilidad at mga kagamitan.

Matatandaan, sa tulong ng Department of Public Works and Highways ay naglaan ng higit 25-million pesos na pondo ang siyudad para makapag-patayo ng tatlong palapag na gusali na gagawing dialysis center.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

BNFM Olongapo

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

24 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

24 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

24 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

24 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

24 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago