BBM, inurungan ang hamon ni VP Robredo na debate

‘HINDI KAILANMAN MANGYAYARI’

Ito ang ginawang tugon ng kampo ni Bongbong Marcos sa hamon ni Vice President Leni Robredo na debate.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos na hindi nila tinatanggap ang hamon dahil sa mga umano’y ‘kadahilanang alam na raw ni Robredo’.

Pahayag ni Atty. Rodriguez sa kanyang Facebook Page

Ayon kay Rodriguez, nauunawaan daw nila ang kabiguhan ni Robredo na maka-debate si BBM.

Sa kabila nito, nainiwala raw sila na mayroong magkakaibang paraan ng pakikipagtalastasan sa mga Pilipino ang dalawang presidential candidate.

Muli rin nitong sinabi na pananatiliin pa rin ng UniTeam ang ‘positive campaigning’.

Giit nito, puro negatibo at panlilinlang daw kasi ang ginagawa ng ‘kampo ng dilawan’.

Bago ito, una nang sinabi ni VP Robredo na hindi ito makadadalo sa last-minute COMELEC panel interview para makasama nito ang kanyang mga volunteers sa pangangampanya pero hinamon niya ang katunggaling si BBM sa isang debate para mabigyan ito ng pagkakataon na maipaliwanag ang mga kontrobersiyang bumabalot sa dating senador.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *