BBM: Pinas, ‘di mauuwi sa recession!

Malakas umano ang loob ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi mauuwi sa recession ang bansa.

Ito ay kahit na naitala nitong Nobyembre ang 14-year-record-high na 8% inflation rate, ‘o yung antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng pera.

Ayon sa Pangulo, bagamat bumilis ang inflation ay mayroon namang magandang balita na kasabay nito – at ‘yun ay ang pagbaba ng unemployment rate sa 4.5%.

READ MORE:

Paliwanag ni Marcos, magmula pa nang magumpisa ang kanyang administrasyon ay paglikha na raw talaga ng mga trabaho ang isa sa mga kanilang prayoridad na mga programa.

Sa huli, nangako ang Pangulo na sinisikap ng gobyerno na gumawa ng mga pamamaraan nang sa gayon ay maibsan ang impact ng inflation sa mga Pilipino.

Inilalatag na raw nila ang mga hakbang para mabawasan man lang ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
#

Pagbaba ng bilang ng mga unemployed Filipinos, welcome sa NEDA

Itinuturing na welcome development ng National Economic and Development Authority o NEDA ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Sa isang pahayag, sinabi ni socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na patunay lamang ito na gumagana ang mga nakalatag na pamamaraan at polisiya ng administrasyon.

Partikular na aniya rito ang kanilang mga post-pandemic recovery measures para masigurong unti-unti nang makababangon ang mga Pilipino mula sa mga hamon at epektong idinulot ng pandemya ng COVID-19.

Naniniwala rin ang Kalihim na malaki ang naitulong ng panunumbalik ng face-to-face classes at pagbubukas ng mga negosyo’t ekonomiya para rito.

Sa kabila niyan, nangako si Balisacan na tuluy-tuloy pa rin ang mga programa ng administrasyon para sa paglikha ng mga trabaho.

Matatandaaang sa ulat ng PSA – bumaba sa 4.5% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 2.24 unemployed Filipinos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *