BDRRMC sa 4 na barangay sa Daraga, Albay, activated na

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ngayon ang apat na barangay sakaling magpatupad ng paglilikas ng mga residente sa evacuation center.

Ayon kay Alex Comia, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daraga, activated na ang kanilang BDRRMC sa apat na barangay partikular sa Brgy. Baรฑadero, Salvacion, Mi-isi, at Matnog sakali mang itaas sa alert level 3 status ang bulkang Mayon.

Binisita rin ng nasabing opisina ang mga nabanggit na barangay bilang paghahanda ng mga ito sakaling pumutok ang bulkan.

Ang mga nasabing barangay ay pawang nasa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Sinabi pa ni Comia, patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng impormasyon, pag-alerto at pag-iwas sa pagpasok sa 6 km permanent danger zone upang maiwasan ang anumang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *