Bea Alonzo, inaming hindi na kayang makipagkaibigan sa ex-bf na si Gerald Anderson

Inamin ni Bea Alonzo na hindi niya kayang makipagkaibigan sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa panayam kay Bea, sinabi niyang hindi niya kayang makipagkaibigan sa isang taong hindi niya na kayang pagkatiwalaan.

Sabi ni Bea, isa sa pinakamalaking pagsisinungaling daw na nagawa sa kaniya ni Gerald ay ang hindi pag-amin na na-ghost siya nito o hindi na kinausap ng aktor.

Ang ghosting ay colloquial term na nangangahulugang biglang hindi pagpaparamdam sa taong karelasyon o kamabutihan.

Samantala  nananatili naman mabuting magkaibigan si Bea sa ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo bagamat natapos sa breakup ang ilang taon nilang relasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *