Beijing, muling isinara ang mga parks, museums re: COVID-19 cases rise

Muling isinara ng Beijing ang mga parke, shopping malls at museums, habang nagresume ang mga Chinese cities ng kanilang mass testing para sa COVID-19, sa harap ng laban ng China kaugnay sa muling pagtaas ng mga kaso.

Dahil dito, lumalim ang pagkabahala kaugnay sa kanilang ekonomiya at nawawalan narin umano sila ng pag-asa para sa mabilis na post-coronavirus reopening.

Mababatid na noong Lunes, nagtala ang China ng 28,127 na mga local cases nationally, na malapit sa kanilang daily peak noong Abril.

Nagbabala naman ang Chinese capital na hinaharap nila ang most severe test ng COVID-19 pandemic at hinigpitan ang kanilang mga panuntunan para sa pagpasok sa lungsod, kung saan nirerequire ang mga dumadating mula sa alinmang bahagi sa China, na sumailalim sa tatlong araw na COVID testing, bago payagan na makaalis sa kanilang accommodation.

Samantala, nangangamba naman ang maraming mga negosyo, lalo na ang mga kailangang humarap sa kanilang customer, na maaring hindi na sila maka-survive hanggang sa susunod na taon, dahil nagtitipid narin umano ang kanilang mga customers. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *