National

Beijing, umaasang magkakaroon ng hiwalay na direct communication line sa pagitan ng defense establishments ng Pilipinas

Umaasa si Chinese Ambassador to Manila Huang Xilian na magkakaroon ng hiwalay na direct communication line sa pagitan ng Beijing at ng defense establishments ng Pilipinas sa gitna ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ay ginawa ng Chinese envoy matapos i-activate ng Beijing ang line of communication na itinatag sa pagitan ng Department of Foreign Affairs at ng Chinese Foreign Ministry bilang resulta ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China.

Nanawagan rin si Huang sa isang “friendly consultation” na nagsasabing ang mga partido ay dapat pigilin ang “hyping up” ng isang issue, na tumutukoy sa BRP Malapascua lasing incident kamakailan.

Samantala, muli rin iginiit ng ambassador ng China na hindi military-grade laser ang ginamit ng kanilang coast guard nang makaengkuwentro ang Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Aniya, nakipag-ugnayan na ang CCG sa PCG hinggil sa insidente.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago