Bella Poarch, naikwento ang naranasang pang-aabuso noong kabataan niya

Nag-open up ang Tiktok star na si Bella Poarch tungkol sa traumatic childhood experience nito habang siya ay lumalaki sa isang bukid sa Pilipinas.

Inihayag ito ng Filipina TikToker, na kasalukuyan ay meron nang 73.7-million followers at 1.6-billion likes sa app, sa isang H3 Podcast kasama ang hosts na sina Ethan at Hila Klein kung saan ay tumagal ang interview ng halos dalawang oras.

Idinetalye ni Bella sa interview ang kaniyang karanasan mula sa pambubully sa bahay at paaralan sa Pilipinas, kung paano siya napadpad sa Estados Unidos at nakapasok sa US Navy at kung paano siya nagsimula sa TikTok.

Ibinahagi ni Bella na dati siyang nakatira sa kaniyang lola sa may estero hanggang siya ay inampon noong tatlong taong gulang pa lang siya.

Normal naman ang pagtrato sa kanya ng adoptive parents niya hanggang sa umabot siya sa 7 taong gulang, kung saan ay bumili ng lupa at bumuo ng farm ang kaniyang stepdad.

Ipinunto ni Bella na gigising siya ng alas-tres ng umaga kung gusto niya pumasok sa eskwelahan dahil kailangan niya munang tapusin ang lahat ng gawaing bahay tulad ng pagwawalis sa kanilang bakuran, pagdampot sa dumi ng aso, paglilinis sa bahay ng pusa, at pagwawalis sa dumi ng kambing.

Sinabi ni Bella na bukod sa galit ay hindi siya pakakainin noon ng kaniyang stepdad kapag hindi niya natatapos ang mga gawaing bahay.

Ayon kay Bella, napansin niya lang ang mga naranasan niyang pang-aabuso nang makarating na siya sa US dahil para sa kanya ay normal lang ang mga karanasan niya noon.

Bukod sa child labor at pananakit, ay sinabi ni Bella na kailangan pa nila humingi ng permiso para makainom ng isang baso ng tubig habang hindi rin pinapayagan sila na magkakapatid na maligo hangga’t hindi sila natatapos sa paglilinis ng farm.

Ito anya ang ilan sa mga rason kung bakit siya nabubully, dahil pagpasok niya sa eskwelahan ay amoy dumi ng hayop na siya.

Pero sa kabila nito ay nagsikap pa rin si Bella sa pag-aaral at sa katunayan ay nag-uwi pa ito ng 36 na medalya mula sa iba’t-ibang art at singing competitions na kaniyang sinekreto mula sa kaniyang adoptive parents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *