Benepisyo para sa mga centenarians, patuloy pa rin

Hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng benepisyo para sa mga centenarian o ang mga taong umabot na sa isang daang taon.

Ayon kay Ako Bicol Party List executive director, Alfredo Garbin, Jr., patuloy pa ring ibibigay ang isangdaang libumpisong halagang benepisyo sa oras na tumuntong sila sa ika-100 taon nilang kaarawan.

Ngunit ang panukala, aniya, ay dapat sana kapag tumuntong na sila sa ika-80 nilang kaarawan ay maibibay na sa kanila ang 50% ng benepisyo upang mapakinabangan na.

Kakaunti lamang kasi umano ang mga nagiging centenarian, at kung umabot man sa edad na 100 ay hindi na nila alam kung paano gamitin ang pera dahil ang iba ay nagkakaroon na ng mga kondisyon tulad ng pagkaulyanin.

Sa ngayon ay umaasa si Garbinh na magpagbigyan ang nasabing batas dahil pending pa rin umano ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *