Bentahan ng kandila ngayong undas sa Naga City, naging normal lamang

NAGA CITY – Naging normal lang ang bentahan ng mga kandila sa Undas ngayong taon sa Naga City.

Tuwing Undas, kaliwa’t –kanan ang mga manininda ng mga kandila sa Naga City Public Cemetery at tanghali pa lamang, nagkakaubusan na. Ngunit ngayong taon, marami pa rin ang manininda ng kandila at maging ang kanilang paninda ay halos hindi pa nangangalahati.

Kagaya ni nanay Guadalupe Balonzo na residente Concepcion Pequeña na 30 taon ng nagtitinda ng kandila. Seasonal vendor lang siya tuwing Undas ngunit regular siyang nagtitinda sa St. Raphael of Arcanghel sa Pili. Kung titingnan, mas maaga silang natapos noong nakaraang taon at naubos agad ang kanilang paninda kumpara ngayong. Gayunpaman, umaasa si nanay Guadalupe na maubos ang kaniyang mga paninda dahil galing pa sa lending ang kanyang pinuhunan para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *