Bentahan ng parol sa San Fernando, Pampanga, unti-unti nang dinarayo

Paskong-pasko ang eksena sa lunsod ng San Fernando sa Pampanga na unti-unti ng dinarayo dahil sa mga naggagandahan at makukulay nito ng mga parol.

Sa kahabaan ng Jose Abad Santos nakahilira ang mga tindahan ng iba’t ibang desinyo ng parol na nagpaalala sa mga mamimili na tiyaking lisenyado ang mabibilihan ng masiguro na lihetimo ang kanilang iuuwing palamuti ngayong pasko.

Nabatid na tumaas ng 10% ang presyo ng mga parol kumpara noong nakalipas na taon dahil sa tumaas rin ang mga materyales kung saan naglalaro sa halagang P500-P2500 ang presyuhan depende sa laki, desinyo at dami.

Inaasahan naman na dadagsain ng mamimili ang tinaguring Christmas Capital of the Philippines sa unang linggo ng Nobyember dahil kadalasan sa mga Pilipino ay tinatapos muna ang Undas bago tuluyang magsimulang magkabit ng mga Christmas Décor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *