Bentahan ng SIM card, bumaba sa gitna ng nagpapatuloy mandatory registration

Bumaba ang bilang ng mga nabentang SIM cards kasunod ng pagpapatupad ng mandatory SIM card registration law.

Ayon kay Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy, kadalasan kasi, mga scammers at sindikato ang mga bumibili ng SIM Cards, dahil tinatapon umano nila ito matapos gamitin.

Dagdag ni Uy, inaasahan na naman umano nilang mangyayari ito.

Giit nito, mas kunti pang SIM cards ang maibebenta sa oras na magtapos na ang registration period.

Una nang sinabi ng naturang ahensya na mahigit 12% ng SIM cards sa buong bansa ang nairehistro na as of January 15, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *