Best practices ng City of Ilagan, kinilala ng DILG

Kinilala ng Department of Interior and Local Government ang best practices ng City of Ilagan sa implementasyon ng Ease of Doing Business o RA 11032.

Sa pagsasalita ni City of Ilagan Mayor Jay Diaz, naging resource speaker ito sa isinagawang webinar patungkol sa Business Climate of Local Governments Under the New Normal na inorganisa ng DILG.

Aniya, dinaluhan ito ng mahigit 600 na Local Government Unit ng mga munisipalidad at lunsod sa bansa.

Dagdag pa ng alkalde, sa nasabing webinar ay ibinahagi nito ang makabagong kasanayan na digital governance o E-governance sa lunsod.

Samantala, nakatakda namang simulan ang pagpapatayo ng bahay sa ilalim ng City Housing Project Ilagan na layong mabenepisyuhan ang nasa 100 pamilya.

Habang nagpapatuloy naman ang konstruksyon ng Gourmix Processing Center sa Marana 1st City of Ilagan na maaring makatulong sa paggawa ng suplay sa gourmix food para sa supplemental feeding program ng siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *