BFAR Bicol nilinaw ang dahilan kung bakit maaaring magbago ang resulta ng kanilang ikinukunduktang test ng red tide toxin

Nilinaw ni Bureau of Fisheries of Aquatic Resources (BFAR)-Bicol Spokesperson Nonie Enolva ang dahilan kung bakit kinakailangan na sumaialim pa sa confirmatory test ang mga sample na nakolekta mula sa Sorsogon Bay sa kabila ng nagpositibo na ito sa kanilang ginawang pagsusuri.

Ayon sa opisyal, kailangan kasi nila na makasiguro at reliable na resulta na tanging ang Receptor Binding Assay method lamang ng National Fisheries Laboratory Division ang makatutukoy nito.

Paliwanag ng opisyal maikukumpara lamang kasi umano sa test kit ang kanilang ekipaheng ginagamit sa pagsuri sa kanilang mga nakolektang sample na kailangan pa ring kumpirmahin ng Central Office.

Bagama’t ang resulta ay posible pang magbago, sinabi ng opisyal na kapag sila ay nag-iisyu ng Local Red Tide Warning ay dapat na itong ikonsiderang epektibo upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. Matatandaan na sa inilabas na  Local Red Tide Warning ng Bureau of Aquatic Resources  o BFAR Bicol ay nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison o PSP ang mga nakolektang sample subalit nagnegatibo ito sa isinagawang confirmatory test ng  National Fisheries Laboratory Division.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *