BFAR Bicol pinawi ang pangamba ng mga taga Camarines Sur at Naga City hinggil sa red tide toxin sa Masbate

NAGA CITY – Pinawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol, ang pangamba ng mga taga Camarines Sur at Naga City hinggil sa red tide toxin sa coastal water ng Milagros, Masbate, ngunit paalala na maging bigilante pa rin.

Sa panayam kay Nilo Consuelo, Chief Production on Support Services Division ng BFAR Bicol, sinabing malayo ang posibilidad na magkaroon sa probinsya dahil sa hindi gaanong in close sa environment area pagdating sa mga napagkukunan ng mga tahong at iba pang shellfishes, may kinalaman rin ang kapaligirang sakop ng karagatan upang mas magbloom ang mga plankton o phytoplankton maliban sa pagdami ng populasyon nila na nagiging dahilan ng red tide.

Istrikto rin ang mga Quarantine Officer ng probinsya upang mabantayan ang pagpasok ng mga produkto, at kailangan pa ring maging alisto sa pagbili ng mga produkto lalo na sa pagtransport.

Pinaalalahanan na rin ang mga Market Administration na siguraduhing may mga papeles ang mga produktong ibaba dapat may Local Transport Permit dahil makikita riyan ang lugar na pinanggalingan at nang mapigilan ang pagpasok ng mga shellfishes na may red tide toxin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *