Binisita ng personal ni Bureau of Fisheries Region 3 Dir. Wilfredo Cruz ang mga salt producers sa lalawigan ng Zambales.
Ito ay para mag-identify ng mga project sites na mayroong maayos na produksyon ng asin.
Kinausap nito ang mga mag-aasin nakalipas na Huwebes sa kanyang pagbisita sa lalawigan.
Target na buhayin muli ang industriya ng pag-aasin at pag-adopt sa makabagong teknolohiya para mapaunlad pa ang produksyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: BFAR Central Luzon
