BFAR, magbubukas ng mga bagong salt farm sa Central Luzon

Magbubukas ng salt farm at salt refinery ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa iba pang probinsya sa Central Luzon.

Ito ay maliban pa sa mga mayroon nang salt farm gaya ng Bulacan, Pampanga at Zambales.

Ayon kay BFAR Region 3 Dir. Wilfredo Cruz, plano ng opisina na magbukas din sa lalawigan ng Bataan at Aurora sa tulong ng Local Government Unit at ng mga Fisher folks Association na mamamahala sa produksyon.

Matatandaan, ang Central Luzon ay benipisyaryo ng 17-million pesos na pondo para palaguin ang local salt production matapos lumabas sa pag-aaral na 93% ng asin sa bansa ay imported.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *