BFAR, patuloy na inirerekomenda ang fishing ban sa ilang bayan sa Oriental, Mindoro

Patuloy pa rin inirerekomenda ng Bureau of Fisheries and Aquatice Resources na ipatupad ang fishing ban sa ilang bayan na naapektuhan ng oil spill sa Oriental, Mindoro.

Kabilang sa mga lugar na inirerekomenda ng BFAR na ipagbawal ang pangingisda ay sa Calapan, Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria at Bansud.

Ito ay dahil batay sa pagsusuri ng ahensiya, kontaminado pa rin ng langis ang mga baybayin sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, pasok naman sa standard para ipagpatuloy ang pangingisda sa mga bayan ng Roxas, Bongabong, Mansalay, Bulalacao, Puerto Galera at San Teodoro.

Tiniyak ng ahensiya na magpapatuloy ang gagawin nilang pagsusuri na magiging batayan ng kanilang rekomendasyon sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang mga LGUs.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *