BFAR, pinagpapaliwanag ng Ombudsman hinggil sa pagkumpiska sa mga imported na isda

Kailangan umanong magpaliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR kung bakit ngayon lang ipinatupad ang Admin Order kaugnay ng gagawin pagkumpiska ng mga imported na isda.

Pinaiimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang aksyon na ito ng BFAR gayung taong 1999 pa ipinatupad ang AO.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Dahil rito, pinagsusumite ng komento ng Ombudsman ang BFAR sa loob ng 3 calendar days simula nang matanggap ang dokumento.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Matatandaang kukumpiskahin na ng BFAR ang mga imported na isda sa mga pamilihan simula December 4.

Ayon sa ahensya, isa lang ito sa kanilang hakbang upang tangkilikin ng publiko ang mga nahuhuli ng mga lokal na mangingisda sa Pilipinas.