BFAR, tiniyak na di basta maapektuhan ng Tilapia Lake Virus ang mga palaisdaan sa Central Luzon

Kumpiyansa ang Bureau Of Fisheries and Aquatic Resources na hindi basta maapektuhan ng Tilapia Lake Virus ang mga hatchery sa Central Luzon.

Ito ay kahit pa ikinokonsidera nang global treat matapos na magkaroon ng kaso sa maraming bansa at mass mortality sa Asian Countries, Africa, South at Northern America.

Ayon kay BFAR Region 3 Dir. Wilfredo Cruz, batay sa pinahuling pagsusuri ay nagkaroon ng kaso nito sa kaisa-isang tilapia hatchery sa bansa na agad namang naagapan ang pagkalat.

Ang Tilv virus sa ibang mga bansa ay pumatay ng 80-90% ng mga alagang tilapia mula maliiit hanggang adults size na nagpabagsak nang husto sa ekonomiya ng mga ito.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *