BFP Bicol handang harapin ang reklamong isasampa ng pamilya ng BFP Trainee na namatay sa Training Center sa Ligao City

LEGAZPI-Handang harapin ng Bureau of Fire Protection o BFP Bicol ang kaso o reklamong isasampa sa kanila ng pamilya ng BFP Trainee na namatay sa oras ng training sa training center sa Ligao City, Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Aramis Balde, tagapagsalita ng BFP Regional Office V, handa naman daw sila sa nasabing reklamo ngunit inaantay nila ngayon ang death certificate nito.

Iimbistigahan rin umano nila ang pinakadahilan ng pagkamatay ni Jose Romula Ebdani, 28 anyos, residente ng Barangay Pangpang Sorsogon City.

Aniya, wala naman silang nakikitang kapabayaan at naibigay naman umano ang pangangailangan ng nasabing persona.

Ngayon nga umano, personal nilang pinaabot ang pakikiramay sa pamilya at kanilang inaasikaso na tin ang mga benipisyong matatanggap nito.

Samantalang bilang pakikiramay, nagsagawa rin ang BFP ng isang prayer rally na kung saan kasama ang mga trainee nagsindi ng kandila at nag alay ng panalangin.

Kung babalikan ekslusibong nakapanayam ng Brigada News FM legazpi si Retired Inspector Jose Tayam Ebdani ng BFP, ama ng biktima patungkol sa hinanakit nito sa kapabayaan umano ng nasabing tanggapan matapos magkasakit ang anak sa loob mismo ng training center sa Kawa kawa ligao City na kung saan sa inisyal report, kidney and liver failure ang rason ng pagkamatay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *